Magsasanib pwersa ang mga Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa at Palawan bilang host divisions sa napipintong “2 Big Events” na Philippine Youth Convergence(PYC) na nakatakda sa Hunyo 14-18, 2022 at DepEd National Management Committee (MANCOM) Meeting na nakatakda sa Hunyo 15-16, 2022.
Bilang paghahanda ay nagsagawa ng Coordination Meeting sa Palawan National School ngayong araw, Mayo 05, 2022. Ito ay dinaluhan ng mga matataas na Opisyales ng DepEd MIMAROPA at mga Sangay ng PPC at Palawan sa pangunguna ni Regional Director Dr. Nicolas T. Capulong, CESO III kasama sina Dr. Loida P. Adornado, CESO VI, OIC – SDS ng PPC at Roger F. Capa, CESO VI, SDS ng Palawan.
Ang mga dumalo ay mainit na tinanggap sa pangunguna ni Dr. Eduardo G. Santos, Principal IV ng Palawan National School bilang meeting host. Inaliw ng Special Program of the Arts ang mga panauhin sa pagtugtog ng rondalla at pagtatanghal ng katutubong sayaw.
“Kapag sama-sama ay kayang-kaya,” ito ang naging pambungand na mensahe ni Dr. Adornado, kanya ring hinimok ang lahat sa gagawing preparasyon. Nagbigay-ulat din siya tungkol sa mga plano at komite sa nakatalagang event na PYC.
“We turn our problems into opportunities to bring the best in us,” ang naging pahayag ni SDS Capa. Aniya ang nasabing pagpupulomg ay magandang pagkakataon para sa mga suhestyon. Samantalang, si G. Benjamin Lamitar, Principal IV ang nagpresenta tungkol sa mga inisyal na plano sa nakatalagang event na MANCOM.
Pormal na gumulong ang pag-uusap ukol sa mga detalye sa pamumuno ni RD Capulong. Aniya, inaasahang mahigit 2000 participants ang dadalo sa PYC, samantalang para sa MANCOM ay pawang mga opisyales ng DepEd mula Secretary, Undersecretaries, Assistant Secretaries, Bureau at Regional Directors.
Magkakaroon pa ng mga follow-up meetings sa pagsasapinal ng mga detalye.
Mga larawan kuha ni: Alexis Diosaban