𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗿𝗶𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗶𝘀𝘆𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻
PUERTO PRINCESA, Hunyo 14, 2022 – Nakatakdang isagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Philippine Youth Convergence (PYC) 2022 upang muling suriin, i-realign, at isaayos ang mga inisyatibang nauugnay sa kabataan upang tumugon sa mga pangangailangan ng kabataan.
“We developed the Philippine Youth Convergence to provide an avenue to our youth for dialogue and revitalize their participation in achieving quality and inclusive education by spearheading conversations about pressing and relevant issues,” ani Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.
Sa pagbuo ng PYC, ang DepEd, sa pamamagitan ng Office of the Assistant Secretary for Youth Affairs and Special Concerns – Youth Formation Division (OASYASC-YFD), ay naglalayon na magbigay sa mga kalahok na mag-aaral ng naaangkop na mga kagamitan, kasanayan, kaalaman, at pananaw.
Tutukuyin sa programa, na gaganapin mula Hunyo 15 hanggang 17 sa Puerto Princesa City, Palawan, ang mga solusyon at mga kaugnay na pagkakataon upang matugunan ang mga pangangailangan ng kabataang Pilipino at bumuo ng Youth Education Agenda.
Ang Agenda ay magpapakita ng mga karaniwang sentimyento at pananaw, mungkahi, at mga rekomendasyon sa patakaran ng mga mag-aaral upang makamit ang dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat habang isinasabuhay ang DepEd Core Values ng Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan, at Makabansa.
Dagdag pa rito, ang PYC ay naglalayon na makipagtulungan at makabuo ng isang malakas na network sa iba’t ibang sektor upang maghatid ng tama, tumutugon, at makabuluhang pagbabago, magbigay ng makabuluhang pagkakataon para sa mga kabataan na malaman ang kanilang papel sa pagtataguyod ng bansa at magbigay ng isang ligtas na espasyo upang bumuo ng isang network para sa mga indibiduwal na may iisang layunin.
Ang tatlong araw na youth summit ay dadaluhan ng higit sa 2,000 Senior High School (SHS) learners, youth leaders, at education stakeholders sa buong bansa. Ang mga mapipiling delegado ay gagabayan ng kani-kanilang Youth Formation Coordinators (DYFCs) sa buong Convergence.
“The participation of our learners in the Philippine Youth Convergence will assist us in understanding their needs and align our initiatives to offer broader opportunities to our youth and achieve inclusive education for all,” saad ni Youth Affairs and Special Concerns Assistant Secretary Juan Valeriano C. Respicio IV.
Para sa karagdagang impormasyon at pamantayan tungkol sa PYC 2022, basahin ang DepEd Memorandum (DM) No. 044, s. 2022 sa bit.ly/DM44S2022.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/…/deped-to-launch-philippine…/]