TINGNAN: IBA ANG GALING NG KABATAAN!
Aktibong nakilahok ang mga kabataan, lider-estudyante, campus journalists, at iba pang stakeholder mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Thematic Learning Sessions, sa ikalawang araw ng Philippine Youth Convergence 2022 sa Puerto Princesa City, Palawan.
Naging bukas sa pagpapahayag ng kanilang karanasan, ideya, at opinyon ang mga kalahok sa mga tinalakay na paksa kabilang ang Child Protection, Environment, Education, Youth Leadership, Diversity and Inclusivity, Health and Well-being, Governance, Digital Citizenship, Economic Empowerment, at Peace and Order.
Layunin ng mga sesyon na ito na bigyang kaalaman, impormasyon, at hikayatin ang mga kalahok na makibahagi sa pagbuo ng isang inklusibong komunidad at edukasyon para sa kabataang Pilipino.
Binibigyang-diin nito ang bahagi sa tema ng PYC na Inclusive Education, na nagbibigay kaalaman sa tungkulin, pangangailangan, at suliranin ng iba’t ibang uri ng mag-aaral, kasama na ang mga IP learners at LQBTQIA+ members, upang mabigyang pansin at masosolusyunan.