Sa unang araw ng #PYC2022, ibinahagi ni Assistant Secretary for Youth Affairs and Special Concerns JV Respicio ang layunin ng pagsasama-sama ng mga kabataan sa pagtitipong ito.
Ayon kay ASec. Respicio, ang pinakamahalagang bahagi ng PYC ay ang pagbuo ng youth education agenda na sumasalamin sa pananaw ng mga kabataan, constructive feedback, at mga policy recommendations kung paano pasiglahin ang paglahok ng mga kabataan sa nation building at gawing mas inklusibo ang edukasyon.
Bukod pa rito, binanggit ni ASec. Respicio na ang pagpili sa PYC Regional Youth Convenors na siyang bubuo ng tradisyon ng PYC ay makatutulong sa pagtatag ng malakas na network mula sa iba’t ibang sektor sa mga rehiyon sa paghatid ng responsibong tugon at makabuluhang pagbabago.